Wala kaming pasok ngayon kasi NAT ng second year. Tinapos ko na hanggang 100th episode ng KHR ngayong umaga.
Ampness nga e, bibili dapat ako ng pang-ulam. Tapos na-lock ko pala yung pinto ng wala akong dalang susi. Pagka-click na pagka-click ng doornob, na-realize ko na yung kagagahan ko at napamura ako. Peste, nakakainis! Wala kasi sa sarili e. Yung susi ko, nasa dining table. Sinubukan kong sungkitin, di ko maabot. Ayun, sinubukan kong wasakin yung pinto. Tinext ko si Cha at sinabing male-late ako sa training namin. Maya-maya, tinext niya ako na nasa labas sila ng bahay. Mag-12:30 na siguro, di pa ako nakakaligo o nakakapag-lunch. Buti nabuksan ni IDul yung pinto gamit yung ID niya. WAHA!
Ako na lang tuloy mag-isa pumunta ng Adelina. Loko-loko si Jette e, nagtatanong ako kung pano papunta kasi nakalimutan ko na, ginagago lang ako. Haha. Kala nga niya nawawala na ako.
Dun lang pala sa may court paglampas ng Aqualiz nagpa-practice. Pinag.. bumpers ba yun, ako ng tatlong beses. Waha.
Practice. Practice. Amp, sa hulihan ako. As usual. Nung nag-break kami, naglaro kami sa playground. Ubaob si Koleen sa see-saw, nabagok nga yung ulo eh. Kala namin serious, buti hindi. Ayun, natawa pa sa nangyari. Pinagti-tripan nga ako sa see-saw eh, hindi ako binababa.
Pinasan din ako ni Jette nung magfo-form na! WAHA! Tagal ko nang hindi nakakapasan, saka bihirang pumayag si Jette na pasanin ako e. Kaya ako si super tili. XD Ayun, tinamaan na naman ng ketek niya.
Ang kulit nga namin eh! SHOT SHOT SHOT! XD
Nagyayaya si Jette na mag-Starbucks. Wala naman akong dalang extrang pera, pero kasya naman na daw yung pera ko. Dapat talaga Starbucks kami, kaso niyaya namin si Cha at McDo ang hinantungan namin.
Wah, bonding moments. ♥
Thursday, March 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment